Apat na drug suspek, arestado matapos makuhaan ng ilang sachet ng shabu sa Caloocan City

42

Huli ang apat na drug suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station sa Doña Rita Street, Barangay 19, Caloocan City.

Kinilala ang apat na suspek na sina Marian Montemayor, 41-anyos, Gloria Javier, 43-anyos, Roland Familgan, 46-anyos at Roderick Sanchez, 51-anyos.


Sa ulat ng Northern Police District (NPD), Nakatanggap ng tawag ang mga pulis mula sa isang concerned citizen ang sinabing may grupo ng indibidwal na nagbebentahan ng droga sa may Doña Rita Street, Barangay 19 sa Caloocan.

Kaya agad na rumesponde ang mga pulis at nahuli sa akto ang mga suspek sa kanilang ginagawang illegal drug transactions.

Nakuha sa mga suspek ang pitong sachet ng shabu na aabot sa 1.5 gramo at may Dangerous Drugs Board (DDB) Value na P10,200.

Facebook Comments