46,000 users, bumuhos sa unang minuto ng national ID online registration

Inaayos na pamahalaan ang online system ng national ID registration matapos makaranas ng technical problem sa dapat sana ay pilot launch nito noong April 30.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, nasa 2,000 indibidwal lamang ang nakapagpatala sa unang araw dahil hindi kinaya ng sistema ang pagbuhos ng 46,000 users nito sa unang minuto ng online registration.

Sa kabila ng aberya, pinasalamatan ni Chua ang mga Pilipinong nakiisa sa online registration.


Sa ngayon, nasa 33.3 milyong Pilipino na ang natapos sa step 1 ng registration matapos ang ginawang pagbabahay-bahay ng mga tauhan ng Philippine Identification System (PhilSys) noong Oktubre.

Nasa 6.4 million naman ang nakakumpleto na sa step 2 o ang on-site biometric data collection.

Facebook Comments