DILG Secretary Eduardo Año, nakarekober na mula sa dalawang heart bypass surgeries

46

“Fully recovered” na si Interior Secretary Eduardo Año matapos itong sumailalim sa dalawang heart bypass surgeries.

Ayon sa Kalihim, matapos ang pangalawang beses niyang pakikipaglaban sa COVID-19 ay nag-iba na ang kanyang pakiramdam kung saan mabilis na siyang hingalin at palaging mabilis ang kanyang heartbeat.


Inabot siya ng dalawang buwan sa ospital dahil sa kanyang mga komplikasyon.

Nitong Abril, balik-trabaho na si Año matapos ang tatlong buwan niyang medical leave.

Facebook Comments