Umabot na sa 46,286 households sa Pasay City ang nakakatanggap ng tulong financial mula sa SAP program ng National Government.
Batay, sa datos ng Pasay City Treasury Office, Kabuuang ₱371-million na ang naipamahagi sa mga residente mula sa 201 barangay sa lungsod.
Samantala, nasa 209 households naman ang hindi pa nakakatanggap ng SAP na may kabuuang halagang 1.7-million pesos
Bunga nito, magbabahay-bahay na lamang ang mga tauhan ng Pasay Social Welfare and Development Department para maabutan na rin ng tulong-pinansyal ang hindi pa nakakatanggap na mga residente.
Tig- ₱8,000 ang natanggap ng bawat beneficiary.
Facebook Comments