Bilang ng mga nasawi sa Taguig City, pumalo na sa 16

Kinumpirma ng City Health Office o CHO ng Taguig na meron naman nasawing pasyente ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa kanilang lungsod.

Batay sa tala ng CHO, ang isang COVID-19 patient na nasawi ay mula sa Barangay Central, Bicutan, kung saan nasa dalawa na ang ng nasawi rito ng dahil sa virus.

Sa kabuuang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lungsod ay umabot na ng 16.


Meron din anim na bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod na nag mula sa Brgy. North Signal, South Daang Hari, Fort Bonifacio, South Signal at North Daang Hari.

Dahilan para umakyat ang bilang sa 245 na mga ng infected patient ng virus sa lungsod, kung saan 28 nito ay mga gumaling na.

Facebook Comments