Manila, Philippines – Arestado ang 47 indibidwal sa iba’t-ibang kaso sa Caloocan City at Maynila Martes ng gabi.
Dahil sa sumbong ng isang concerned citizen, nagsagawa ng “one-time, big-time” operation ang mga pulis sa bagong Barrio mula sa barangay 117 hanggang barangay 120 kung saan labing isa ang naaresto dahil sa iligal na droga.
Dinala din sa presinto ang 20 indibidwal na lumabag sa ordinansa ng lungsod tulad ng drinking in public.
Samantalang, aabot sa 16 ang naaresto ng Malate police station matapos magsagawa din ng operasyon.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, narekober ang droga na tinatayang nagkakahalaga ng P35,000 pero nakatakas ang sinasabing target na barangay kagawad sa operasyon.
Facebook Comments