Ilang bahagi ng Rodriguez at San Mateo Rizal, mawawalan ng supply ng tubig

Manila, Philippines – Mawawalan ng supply ng tubig ang ilang barangay sa Rodriguez at San Mateo sa Rizal gayundin sa Marikina City.
Sa abiso ng Manila Water, kailangan nilang magsagawa ng emergency leak repair sa bahagi ng Becco creek sa Barangay Burgos sa bayan ng Rodriguez.
Magsisimula ang water interruption alas 8:00 ng gabi ng mamaya hangang buka ng ala-sais ng umaga.
Habang apektado sa Marikina ay ang barangay Parang.
Pinapayuhan ng Manila Water ang mga residente sa nabanggit na mga barangay na mag-ipon na ng tubig ngayong maghapon.

Facebook Comments