47 libong pamilya apektado ng baha sa ARMM

Abot sa 47 libong pamilya mula sa 44 na bayan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM ang naapektuhan ng bagyong Vinta. Itoy mula sa report ng Humanitarian Emergency Action and Response Team o ARMM HEART .
Ayon kay ARMM HEART spokesperson Myrna Jo Henry, mahigit sa 47 libong pamilya ang apektado ng kalamidad tulad ng baha at landslide bunsod ng bagyong Vinta sa limang mga probinsiya ng ARMM.
Sa lalawigan ng Maguindanao 13 mga bayan ang binaha at nasa 21 libong pamilya ang apektado. Nakaschedule naman ngayong araw ang relief distribution na pinangangasiwaan ng Peoples Medical Team ng Maguindanao Province na gagawin sa bayan ng Datu Montawal at Pagalungan sa Maguindanao.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments