Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ang Cagayan Valley Region ng 47 na panibagong kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.
Ayon sa DOH, kinabibilangan ito ng 29 mula sa Probinsya ng Cagayan, 12 sa Isabela at 6 mula sa Nueva Vizcaya.
Dagdag pa sa report, kabilang din ang isang 7-taong gulang na bata na Locally Stranded Individual mula sa Iguig, Cagayan at may kasaysayan ng pagbiyahe mula sa Paranaque City.
Patuloy naman ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng virus na kinabibilangan ng mga Locally Stranded Individual at mga Returning OFWs.
Umakyat na sa 293 ang kabuaang naitalang kaso ng COVID-19 sa Lambak ng Cagayan habang 3 na ang naitalang pumanaw dahil pa rin sa virus.
Facebook Comments