471 na Tokhang Responders sa San Mateo, Nagtapos na sa CBRP!

San Mateo, Isabela- Nagtapos na sa Community Based Rehabilitation Program ang nasa 471 mula sa kabuuang bilang na 618 na mga tokhang responders sa San Mateo, Isabela.

Ito ang masayang ibinahagi ni Police Inspector Roberto Alario, ang deputy chief of police ng PNP San Mateo sa naging ugnayang ng RMN Cauayan sa programang Sentro Serbisyo kahapon, Hulyo 7, 2018.

Aniya, mayroon pa umanong natitirang 147 na nasa kanilang watch list ngunit karamihan na sa mga ito ay namatay na at nakakulong ang iba.


Ngayon ay lalo pa umano nilang pinaiigting ang kanilang kampanya kontra iligal na droga upang matiyak ang kaligtasan ng mamamayan sa kanilang bayan habang naniniwala pa si PI Alario na ang dahilan umano ng pagbaba ng crime index sa kanilang nasasakupan ay ang pagbaba ng bilang ng mga nasasangkot sa iligal na droga sa kanilang bayan.

Sa ngayon ay wala umanong mga naitatalang mabibigat na insidente kung kaya’t puspusan pa ang kanilang ginagawang pagbabantay sa araw at sa gabi upang matiyak ang kapayapaan sa kanilang bayan.

Samantala, puspusan din umano ang kanilang pagpapatupad sa mahigpit na curfew hours upang mabantayan ang mga kabataan at makaiwas sa pagkasangkot sa anumang krimen habang kasabay din umano nito ay ang pagpapaigting din sa kanilang OPLAN Tambay.

Facebook Comments