Manila, Philippines – Inamin ni Department of Transportation Usec. Cesar Chavez na hindi pa magagamit ang lahat ng 48 bagon ng MRT na binili ng gobyerno sa halagang 38 bilyong piso.
Ayon kay Chavez, kahit maayos ang signaling system at mayroon nang certificate ay hindi pa rin magagamit ang naturang mga bagon.
Aniya, mayroon lang matatawag na maximum na 20 tren o katumbas na 60 bagon na mailalagay sa riles ng MRT 3 lalo na sa peak hours.
Kung idadagdag aniya ang mga bagong bagon sa luma ay sosobra na ito sa maximum train sets.
Dagdag pa ni Chavez, hindi pa rin nareresolba ang isyu sa paglalagay ng signaling system para sa mga bagong tren ng MRT.
Gayunman aniya, itinakda na nila sa Mayo o Hunyo ang deadline para dito.
DZXL558
Facebook Comments