48 LGUs, pinadalhan ng ‘show cause orders’ ng DILG dahil sa makupad na ‘Odette’ aid payout

Pinagpapaliwanag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang 48 Local Government Units (LGUs) kung bakit napakabagal ng naging pamamahagi sa ayudang pinansiyal para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Sinabi ni Año na pinadalhan na nila ng show cause orders ang 48 mga alkalde sa anim na rehiyon.

Nabatid na tatlo sa LGUs na binigyan ng show cause orders ay mula sa Mimaropa, Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan, 16 sa Western Visayas, 13 sa Central Visayas, at 16 naman ang mula sa Eastern Visayas.


Samantala ang LGUs naman sa Northern Mindanao at Caraga, na nagsagawa rin ng cash distribution ay hindi naman binigyan ng show cause orders.

Magugunitang noong Disyembre ng nakaraang taon, iniutos ni Pangulong Duterte ang pagkakaloob ng P1,000 ayuda sa bawat biktimang nakaligtas sa Bagyong Odette, at hindi naman hihigit sa P5,000 cash aid sa bawat isang pamilya.

Facebook Comments