May anim na namang Omicron sub variants sa ibang mga bansa ang mino-monitor ngayon ng mga eksperto.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Rontgene Solante, isang infectious disease expert na ilan lamang sa mga bagong sub variants ng omicron ay ang BA 2.75 at BA 2.75.2 na may dagdag na mga mutation.
Aniya, mababa naman ang kasong ito at mahigpit itong mino-monitor dahil mataas ang mutation at hawaang dulot nito.
Maari aniya itong makaapekto sa bakunang ginagamit ngayon o may indikasyon na pwedeng maiwasan nito ang antibodies na nakukuha natin sa bakuna kaya posible pa rin mahawa.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Solante na mayroon nang BA 2.75 subvariant sa 48 mga bansa sa mundo.
Facebook Comments