Korte Suprema, nangangalap pa ng update sa mga hukuman na napinsala ng Bagyong Karding

57

Nakikipag-ugnayan na ang Korte Suprema sa mga hukuman sa mga lalawigan na dinaanan ng Bagyong Karding.

Ito ay para alamin kung mayroon bang mga gusali ng hukuman at mga empleyado ng hudikatura ang naapektuhan ng super typhoon.

Sinabi ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka na sa kasalukuyan ay hinihintay na lang niya ang ulat mula sa mga apektadong lugar.


Nakatakda ring mag-anunsyo ang Korte Suprema kung magkakaroon ng suspension sa pasok sa mga korte na higit na naapektuhan ng bagyo.

Facebook Comments