48 patay sa nagpapatuloy na kilos protesta upang pababain sa pwesto ang pangulo ng Venezuela

World – Umabot na sa 48 ang patay sa malawakang kilos protesta laban kay Venezuelan President Nicolas Maduro.

Mag-iisang linggo na ang anti-government demonstration sa ibat ibang lungsod sa Venezuela upang ipanawagan ang panibagong halalan sa kanilang bansa.

Nabatid na nagsunog sa gitna ng lansangan at nakipagbatuhan laban sa mga otoridad ang mga galit na protesters na tinututulan ang tila batas militar na pamamalakad ni maduro.


Simula Abril, daan-daang katao na ang nasugatan at 2,200 ang nakulong dahil sa pagtuligsa sa gobyerno.
DZXL558

Facebook Comments