486 ALAGANG HAYOP SA MANGALDAN, NABAKUNAHAN KONTRA RABIES

Pinaigting ng Mangaldan Municipal Agriculture Office ang pagbabakuna sa mga alagang hayop sa bayan laban sa rabies.
Sa isinagawang vaccination drive sa Brgy. Malabago kamakailan, 486 na alagang hayop ang nabakunahan kontra rabies—362 dito ay mga aso at 124 ay mga pusa.
Muling iginiit sa pagtitipon ang mahigpit na pagpapatupad ng ordinansang *”Aso Mo, Itali Mo,”* upang maiwasan ang insidente ng kagat ng aso sa mga pampublikong lugar.
Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan ang responsableng pag-aalaga ng hayop kasabay ng isinasagawang anti-rabies vaccination drive sa bawat barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments