48th Nutrition Month, ipinagdiriwang ng Taguig LGU

Photo Courtesy: I Love Taguig Facebook Page

Pinasinayaan ng Taguig Local Government Unit (LGU) ang Healthy Food Fair kasabay ng pagdiriwang ng 48th Nutrition Month.

Ito’y bilang suporta sa mga maliit na negosyanteng nagbebenta ng mga masustansyang pagkain tulad ng mga sariwang gulay, prutas, at malunggay pandesal.

Ibinahagi rin ng City Nutrition Office ang kanilang mga isinagawang programa sa gitna ng pandemya tulad ng house-to-house distribution ng pagkain, medisina, at tulong pinansyal.


Ilan pa sa mga naging programa ay ang pagtatayo ng community markets sa iba’t ibang barangay, lectures at seminars online kung paano maging malusog at paghikayat sa mga residente na magtanim para sa food security.

Ipinagmalaki rin ng Nutrition Office ang kanilang natanggap na Nutrition Honor Award, ang pinakamataas na parangal na ibinibigay ng National Nutrition Council sa mga LGU

Ayon kay Taguig City Nutrition Office Head Julie Bernabe, layunin ng lungsod na ipagpatuloy ang programang lalaban sa malnutrisyon at kagutuman.

Prayoridad din ng Taguig ang nutrisyon ng mga pregnant at lactating women, at daycare children.

Ang Taguig LGU ay patuloy na magpapalawig ng mga programang pangkalusugan upang masiguro ang malusog at masustansyang pangangatawan ng bawat mamamayan.

Facebook Comments