Digital infrastructure, isa sa pagsisikapang mas pagandahin pa ng gobyerno ayon kay Pangulong Bongbong Marcos

72

Kasama sa line up ng Marcos administration ang mas palakasin pa ang digital infrastructure ng bansa.

Sa kanyang Facebook post, ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang magandang dulot ng internet dahil hindi naging hadlang ang pagkakaroon niya ng COVID-19 para magawa niya ng tuloy- tuloy ang kanyang trabaho.

Sa pamamagitan aniya ng komunikasyon ay maraming maaaring gawin gaya ng kanyang ginawa na kung saan ay nakipagpulong pa rin siya sa mga miyembro ng kanyang gabinete sa kabila ng kanyang isolation.


Inihayag ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng mabisang digital infrastructure ay marami ang maitatawid na komunikasyon.

Kaya naman sisikapin daw ng kanyang administrasyon na mas pagandahin pa ang digital infrastructure sa bansa.

Facebook Comments