49-anyos na misis, bibigyan ng puhunan ng Serbisyong XL matapos mapili sa Tawag ng Tulong

Manila, Philippines – Isang 49-anyos na misis ang bibigayang puhunan ng Serbisyong XL matapos mapili sa “Tawag ng Tulong.”

Si Zenaida Ilustrisimo na residente ng #21-B, Brgy. 4, Bisig Ngnayon, Caloocan City ay muling napasaya ng DZXL dahil sa dinadala nitong problema sa kaniyang pamilya.

Napag-alaman kasi na nakakulong ang mister ni Zenaida na si Enrico Vivar na dating pintor kaya’t hirap siya ngayon sa kanilang buhay.


Mag-isa din itinataguyod ni Zenaida ang dalawang anak na may edad siyam at limang taong gulang kung saan ipinagpapatuloy na lamang niya ang pagtitinda ng street foods na unang negosyo ng kanilang mister.

Nais ni Zenaida na madagdagan ang kaniyang puhunan dahil ang ibang pera ay naibigay niya sa kaniyang mister na nasa loob ng kulungan.

Nagpapasalamat naman si Zenaida sa tulong na ibibigay ng DZXL at nangako na palalaguin ito para na din sa kapakanan ng kaniyang anak.

Samantala, may pang-handa sa kanilang birthday sina Perlita Francisco ng Caloocan at Maria Victoria Dela Luna ng Antipolo matapos manalo ng P558.00 sa Ka-Birthday Game.
Nation

Facebook Comments