Cauayan City, Isabela- Muling nakapagtala ng mataas na bagong bilang ng positibong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Marso 7, 2021 ang probinsya ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, apatnapu’t siyam (49) na bagong positibong kaso ang naitala ngayong araw na kung saan ang labing pito (17) ay mula sa Lungsod ng Santiago; siyam (9) sa bayan ng Echague; apat (4) sa Lungsod ng Cauayan at bayan ng Ramon; tig-tatlo (3) sa City of Ilagan at San Agustin at tig-isa (1) sa mga bayan ng Alicia, Cabagan, Cordon, Gamu, Jones, Luna, Naguilian, San Isidro at Sto Tomas.
Dahil dito, umaabot na sa 5,544 ang total confirmed cases ng COVID-19 sa probinsya subalit ang 4,912 rito ay naideklara nang gumaling habang nasa 108 naman ang binawian ng buhay.
Sa kasalukuyan, tumaas sa 512 ang bilang ng aktibong kaso sa Isabela.
Mula sa bilang ng aktibong kaso, 457 sa mga ito ay nasa kategoryang ‘Local Transmission’; 45 ay mga health workers; labing lima (15) na Locally Stranded Individuals (LSIs) at pito (7) na kasapi ng PNP.