VILLASIS, PANGASINAN— Nakatakdang bigyan ng individual Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ng Department of Agrarian Reform Pangasinan ang nasa 49 na magsasaka mula Brgy. Diaz, Bautista.
Sa ilalim ng RA 6657 o ng Comprehensive Agrarian Reform Law, as amended, tinukoy ang mga magsasaka na karapat-dapat na mabigyan ng bahagi ng 93.6934 hectares na lupa na pagmamay-ari ni Juan L. Tiongson.
Matatagpuan ang naturang landholding sa Bautista, Villanueva-Poponto. Pinangunahan ni Villasis Pangasinan RTC Branch 50 Presiding Judge Junius Fernandez Dalaten ang panunumpa ng mga bagong agrarian reform beneficiary (ARB) nitong buwan.
Hindi na pinabayaran ni Presiding Judge Dalaten ang notarial fee ng mga ito. Kabilang sa mga obligasyon ng mga magiging CLOA-holder ay ang pagbayad ng amortization ng property na ini-award sa kanila, ang pangangalaga sa lupain, at ang pagsunod sa mga batas pang-agraryo.
Dahil sila ay mga ARB ay prayoridad na rin silang mabigyan ng mga support service at iba-iba pang tulong pansaka ng DAR.