Manila, Philippines – Aabot na sa apatnaput syam na mga barangay sa Marawi City ang cleared na at ngayon ay pinagtutuunan ng pansin ng limang team mula sa office of civil defense para magsagawa ng assesment sa pinsalang dulot ng gyera sa lungsod ng Marawi.
Sa kabila nito hindi pa pinapahintulutan ng mga awtoridad ang kagustuhan ng mga residente sa 49 na barangay na makabalik na sa kanilang mga bahay.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan,kahit may declaration of liberation na ang pangulong rodrigo duterte at ang Armed Forces of the Philipines ay hindi pa rin ipilit ng mga evacuees na makabalik sa kanilang mga bahay.
Napakadelikado pa ayon kay Marasigan sa ngayon para bumalik sa kanilang bahay kahit cleared na ito ng mga awtoridad.
Sinabi pa ni Marasigan mayroon na lamang ngayon 47 barangay ang hindi pa cleared sa Marawi City na ngayon