4Ps, balak muling pag-aralan ng ilang mambabatas

42

Nais ng ilang mambabatas na pag-aralang muli ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Sa house resolution no. 464, hiniling ni Grabriela Rep. Emmi de Jesus na alamin kung talaga bang nakapagpataas sa estado ng pamumuhay ng mga Pilipino ang 4Ps.

Dagdag pa ni de Jesus, mas makabubuti kung itutuon na lang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang pondo sa mga bagay na mas makatutulong sa mahihirap.

Kasabay nito, sinabi ni Ronald Castro, Deputy Program Director ng 4Ps na pansamantala nilang itinigil ang pagtanggap ng mga nais maging benipisyaryo ng programa.

Facebook Comments