Aftershocks, asahan pa rin kasunod ng lindol sa Batangas

47

*Asahan pa rin ang aftershocks, *ito’y kasunod ng nangyaring 6.3 magnitude na lindol sa Batangas kahapon.

Sa interview ng RMN kay PHIVOLCS Director Renato Solidum – magkaroon man ng aftershocks ay hindi ito makaka-paminsala.

Paliwanag ni Solidum – gumalaw ang Manila trench kaya maraming bahagi ng Metro Manila ang nakaramdam nito.

Tiniyak ng PHIVOLCS na hindi magagalaw ng ang iba pang major fault lines sa bansa dahil sa nangyaring lindol.

Dahil dito, paalala ng PHIVOLCS seryosohin ang mga ginagawang shake drill.

Facebook Comments