4Ps Beneficary, Huli sa Pagbebenta ng Milyong halaga ng Dried Marijuana

61

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang 4Ps beneficiary sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad bandang 11:30 kaninang tanghali sa Brgy. Bulanao Norte, Tabuk City, Kalinga.

Nakilala ang suspek na si Jovielyn Bayog, 33-anyos at miyembro ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) na residente ng Loccong, Tinglayan, Kalinga.


Positibong napagbentahan ng suspek ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P7,500 na buy-bust money.

Nakumpiska kay Bayog ang 15 bricks ng dried marijuana na tumitimbang ng 15 kilograms at tinatayang nasa P1,800,000.00 ang halaga ng droga.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek na nasa pangangalaga ng pulisya.

Facebook Comments