Mayorya ng mga Pinoy, sumusunod sa COVID-19 prevention measures

Mayorya ng mga Pilipino ang sumusunod sa hakbangin laban sa COVID-19.

Batay sa Social Weather Station (SWS), 76% ng matatandang Pilipino ang nagsusuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay, 65% ang ilang beses naghuhugas ng kamay at 59% ang nagpapanatili ng physical distancing.

Pero sa survey na isinagawa noong buwan ng Mayo, lumabas na 77% ng matatandang Pilipino ang nagsusuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay, 68% ang ilang beses naghuhugas ng kamay at 64% ang nagpapanatili ng physical distancing.


Isinagawa ang national mobile phone survey noong Hulyo 3 hanggang Hulyo 6, 2020 sa may 1,555 Pilipino na edad 18 pataas sa buong bansa.

Facebook Comments