Cauayan City, Isabela- Bakas sa mukha ng ilang residente ng isang Sitio sa Brgy. Rizal, Santiago City, Isabela matapos makatanggap ng relief goods sa kabila ng umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay Ginang Norieta Pingol, makakatulong aniya ito sa kanyang pamilya lalo pa’t nahinto ang pagtatrabaho ng kanyang mister na isang welder.
Nagpapasalamat din ito sa gobyerno dahil sa patuloy na pag-agapay sa kanila lalo na sa ganitong sitwasyon.
Samantala, dismayado naman ang ilang residente sa lugar matapos hindi makatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program mula sa Department of Social Welfare and Development.
Para sa ilan, hindi naging patas ang validation ng ahensya kung kaya’t idudulog nila ito dahil sa nangyaring sitwasyon.