4P’s Member sa Tuguegarao City, Nagboluntaryo sa Clean up Drive!

Cauayan City, Isabela – Palamunin at naghihintay lang ng tulong. Ito ang madalas na itawag sa ilang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.

Pero pinatunayan ng ibang kasapi ng 4P’s sa Tuguegarao City na mali ang pagkakakilalang ito sa kanila.

Isang grupo ng mga kasapi ng 4P’s ang nagboluntaryong tumulong at nagbigay serbisyo para sa transisyon ng kanilang lugar sa pagsasailalim dito ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) patungo sa General Community Quarantine (GCQ) noong May 1, 2020.


Ang grupo ay kinabibilangan ng 18 katao mula Libag Sur, Tuguegarao City.

Habang isinaalang-alang ang tamang physical distancing, sinimulang buhayin ng grupo ang kanilang communal garden.

Ang mga nasabing kasapi ng 4P’s ay nagtanim ng kamote, talong at kamatis.

Pagkatapos nito ay pinangunahan din nila ang clean-up drive ng barangay at tree planting sa mga bakanteng lote sa mga gilid ng daan at maging sa mga paaralan sa kanilang lugar.

Facebook Comments