*Cauayan City, Isabela- *Lalong pinaganda at kinumpuni ang mga pasilidad ng Isabela 4th District Engineering Office ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nakabase sa San Isidro, Isabela para sa mas maayos na pagbibigay serbisyo at komportableng pagtratrabaho ng bawat empleyado.
Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. Edmund de Luna, bukod sa inayos ang bawat departamento ng nasabing ahensya nagpatayo pa ng karangdagang gusali para sa mas mabilis na pagseserbisyo sa bayan.
Sa ginawang pagkukumpuni sa nasabing ahensya ay nagtayo ng bagong bakod, function room, 2 palapag ng canteen, quarters na may 6 kuwarto, canopi, covered court at iba pang mga bagay na inayos.
Ayon kay Engr. Juvy Dizon, Chief Maintenance, umaabot sa halagang P12-M ang nagugol sa maintenance ng nasabing gusali ng ahensya.
Ang nasabing distrito ng DPWH ay siyang nangunguna sa buong Region 02 sa pagpapatupad at implementasyon ng mga milyon-milyong proyektong imprastraktura.
Kaugnay nito, dahil sa mahusay na pamamalakad nina Engr. de Luna at Assistant District Emmanuel Mansibang ay mabiyayaan sila ng tig-iisang sasakyan kabilang ang pitong (7) Department Heads.