4Th Round Ng Peace Talks, Gagawin Sa The Netherlands

7

NETHERLANDS – Ipagpapatuloy ang ikaapat na yugto o round ng peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF sa the Netherlands.Ayon Kay Government Peace Panel Chairperson Silvestre Bello – nangako ang kabilang kampo na pag-aaralan nila ang isinumiteng panukalang bilateral ceasefire.Kapag nagkasundo ang magkabilang panig, irerekomenda nila sa Amerika na ipatanggal si CPP-NPA founder Jose Maria Sison sa listahan ng mga terrorist personalities para siya ay makabiyahe sa asya at silang dalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pipirma sa mga kasunduan.Bukod dito, maari na ring gawin sa Pilipinas ang usapang pangkapayapaan kapag nangyari ito.Pero ayon kay NDF panel chairperson Fidel Agcaoili – kahit tanggalin si Sison sa watch list ng Amerika, hindi sila papayag sa Pilipinas gawin ang peace talks.Sa huling araw ng ikatlong round ng peace talks sa Italya, nakatakdang pirmahan ang ilan pang kasunduan ng magkabilang panig bilang paghahanda sa ikaapat na round ng usapan tatlong buwan mula ngayon.

Facebook Comments