Pagpapalaya Sa Higit 100 Matatanda At May Sakit Na Bilanggo, Kinumpirma Ng Doj

13

MANILA – Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na palalayain na ng pamahalaan ang higit 100 inmates na bibigyan ng executive clemency na kinabibilangan ng mga matatanda at may sakit na mga bilanggo.Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre – kasama sa mga palalayain ay ang mga bilanggo mula sa penal colonies na nasa ilalim ng pamamahala ng Bureau of Corrections (BUCOR) kabilang na ang New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institution for Women (CIW).Dagdag pa ni Aguirre – dalawang bilanggo na ang inirekomenda nilang mabigyan ng absoulute pardon at mahigit 100 naman para sa commutation ng kanilang sintensiya.Ang pagpapalaya sa mahigit 100 na inmate ay bahagi ng pangako ng pangulo na kanyang palalayain ang mga bilanggo na may edad 80-anyos pataas at ang mga bilanggo na nakakulong na nang mahigit 40 taon.

Facebook Comments