Nasa 5% hanggang 10% ng mga nurse sa mga private hospital sa bansa ang nag-resign sa kanilang trabaho sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo.
Ayon kay Dr. Jose Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI), hindi na mapalawig ng mga ospital ang kanilang COVID-19 capacity dahil kulang na sila sa medical workers.
Karamihan umano sa mga nurse ay nag-resign para humanap ng mas magandang trabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nangangailangan ngayon ang Saudi Arabia ng 600 nurse para tugunan ang kanilang healthcare system.
Habang lumagda rin ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang memorandum of agreement para pahintulutan ang Britain na mag-hire ng healthcare professionals mula sa Pilipinas.
Nabatid na nasa 50,000 nurse ang kakailanganin ng Britain hanggang 2024.
Pinawi naman ng Malacañang ang pangambang magkaubusan ng nurse sa Pilipinas.
Sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, may mga board passer at nursing graduates naman na papalit sa mga medical workers na nag-resign para mag-abroad.