5. 3 MILYONG CASH CARDS IPINAGKALOOB SA MGA LOLO AT LOLA NG MANGALDAN

Nasa 5.39 milyong pisong cash cards ang ipinamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 1 sa 1,171 na mga lolo at lola sa bayan ng Mangaldan.

Ang programang ito ay ang Tax Reform Cash Transfer (TRAIN) na naglalayong matulungan ang mga senior citizen sa kanilang mga pangangailangan.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Officer Rowena C. De Guzman, ang bawat benepisyaryo ay tumanggap ng 3,600 o 300 kada buwan para sa buong taon. 1,000 din ang nadagdag sa kanilang cash cards sa ilalim ng targeted cash transfer (TCT) program.

Samantala, nakatakdang ipagkaloob umano ang natitirang cash assistance sa mga senior citizen sa susunod na taon. |ifmnews

Facebook Comments