5.4 magnitude na Lindol, Naitala sa Bayan ng Calayan, Cagayan

Cauayan City, Isabela-Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Bayan ng Calayan,Cagayan bandang 7:54 ngayong gabi.

Batay sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOLCS), tectonic sanhi ng paglindol sa ilang kalapit din na lugar sa Calayan.

Ayon sa PNP Calayan, normal ang sitwasyon ngayon sa buong bayan habang nananatili pa rin ang supay ng kuryente sa buong lugar.


Nag-ikot na rin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) kung may pagbitak sa mga pangunahing kalsada sa lugar o pinsala sa ilang kabahayan.

Naitala ang intensity sa ilang bahagi ng lugar gaya:

Reported Intensities: Intensity IV – Calayan, Cagayan Intensity III – Bacarra, Ilocos Norte; Flora, Apayao Intensity II – Sinait, Ilocos Sur
Instrumental Intensities: Intensity IV – Pasuquin, Ilocos Norte Intensity II – Vigan City

Facebook Comments