Kagawad na rumesponde sa grupong nag-iingay, patay sa saksak

750

Nasawi ang isang 64-anyos na barangay kagawad sa Binugao, Toril, Davao City matapos saksakin habang rumeresponde sa mga suwail na residente.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan si Danilo Ampong Calinawan Sr. na nagtamo ng dalawang saksak sa parteng tiyan.


Ayon sa pulisya, pinuntahan ng biktima ang isang grupo nang mabalitaang nag-iingay ang mga ito kahit umiiral ang curfew sa lungsod.

Pero imbis na sumunod, kumuha ng kutsilyo ang suspek na si Rolando Abellana Herman at tinarakan ang kagawad. Bago pa tuluyang mawalan ng malay, nakabunot ng baril si Calinawan at nabaril ang salarin.

Kritikal ang kondisyon ni Herman na nagtamo ng multiple gunshot wounds sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Facebook Comments