Manila, Philippines – Nasa pag-iingat na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 5.5-million pesos na halaga ng shabu na nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Customs Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno, ang 1.2 kilos ng shabu ay mula sa dalawang magkahiwalay na kargamento.
Inihayag ni Nepumuceno na ang unang shipment na idineklarang wig o piluka ay galing sa Congo at ang destinasyon nito ay sa Talisay, Cebu.
Ang nagpadala ay kinilala sa pangalang Mbiko Madama Aminata habang naka-consign naman ito kay Joseph Amistad.
Ang ikalawang shipment ay nakabalot naman sa candy wrapper at ipapadala sana ito sa isang Analyn Diosno patungong Doha, Qatar mula sa isang Randy Olivarez ng Sta. Cruz, Manila.