5-6% ng GDP ng bansa, para sa infra projects – PBBM

Maglalaan ang gobyerno ng lima hanggang anim na porsyento na pondo mula sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa para sa infrastructure projects.

Sa unang sona ni Pangulong Bongbong Marcos, sinabi niya na mananatiling prayoridad niya ang mga proyektong pang-imprastraktura lalo na’t ito ang itinuturing na backbone ng ekonomiya ng bansa.

Nilinaw rin ng Pangulong Marcos na hindi niya sususpendihin ang mga proyektong nasimulan na sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay Pangulong Marcos, plano nilang hikayatin ang investors sa pamamagitan ng pagpapalakas sa public Private Partnerships.

Naniniwala ang pangulo na isa ang pagsasaayos ng mga imprastraktura sa paraan upang mapaganda rin ang iba pang sektor gaya ng agrikultura, turismo, at iba pa.

Facebook Comments