Paggamit ng renewable energy bilang solusyon sa climate change, ipaprayoridad ng Marcos admin

70

Ipaprayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paggamit ng renewable energy upang maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.

Sa kaniyang unang State of the Nation Address, sinabi ni Pangulong Marcos na bagama’t maliit lamang ang kontribusyon ng bansa sa climate change ay tayo ang isa sa mga pinaka-naaapektuhan ng mga kalamidad na dulot nito.

Ayon sa Pangulo, mas gagamit tayo ngayon ng renewable energy sources kagaya ng hydropower, geothermal power, solar at wind energy.


Kinakailangan din aniya na mag-invest ang bansa sa teknolohiya para makapagbigay ng mas akmang weather forecast at maalerto ang mga mamamayan sa posibleng panganib.

Isusulong din ni Pangulong Marcos ang pagtatayo ng mga nuclear power plant.

Facebook Comments