5-anyos na bata, namatay matapos mabilaukan sa kinaing waifer

3091

Patay ang limang-taong gulang na batang lalaki matapos mabilaukan sa kinakaing wafer sa Sipalay City, Negros Occidental, Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, naghahanda ng hapunan ang magulang ng paslit nang bigla siyang magtatalon at dumaing na nahihirapan huminga.


Sinubukan pang kunin ng nanay ang biskwit na bumara sa lalamunan ng bata, ngunit nabigo siya.

Kaagad din rumesponde ang ilang tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Office (DRRMO), para bigyan ng paunang-lunas at CPR ang kaawa-awang bata.

Naisugod pa siya sa ospital pero idineklarang on arrival, pasado alas-7 ng gabi.

Paalala ng PDRMMO sa publiko, palaging bantayan ang sinusubo o kinakain ng mga bata para iwas-disgrasya.

Facebook Comments

From Advertisers