5 anyos na Lalaki, Patay Matapos Malunod!

82

*Benito Soliven, Isabela- *Patay ang limang taong gulang na bata matapos malunod sa ilog sa Brgy. Yeban Sur, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Tomy Salum at residente ng Cauayan City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, bandang 8: 30 kaninang umaga nang maganap ang pagkalunod ng biktima nang magtungo ang kanyang pamilya sa nasabing lugar upang magpicnic.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Benito Soliven, habang naglalaba ang nanay ng biktima ay hindi umano nito napansin na nawawala ang kanyang anak hanggang sa mabalitaan na nalunod na pala ang kanyang limang taong gulang na anak.

Narekober naman pasado alas nuebe kaninang umaga ang katawan ng bata at naisugod pa ito sa ospital subalit idineklara din na Dead on Arrival ng kanyang attending physician.

Facebook Comments

From Advertisers