5-anyos sa Indiana, nasagip matapos mahulog sa 30ft manhole

39
COURTESY 14NEWS

Masuwerteng nasagip ang 5-anyos na nahulog sa imburnal sa Evansville, Indiana.

Ayon sa awtoridad sa lugar, tumagal nang isang oras ang pag-responde sa bata na nahulog sa manhole na may lalim na 30 talampakan at puno ng tubig.


Agad namang naisugod sa pinakamalapit na ospital ang bata, na nasa maayos nang kalagayan.

Ayon sa rescuers, nahulog ang bata habang nanonood ang kaniyang pamilya ng fireworks display.

Facebook Comments

From Advertisers