Michael V ginunita ang alaala ni Eddie Garcia sa pamamagitan ng pagguhit

95
Images via IG/Michael V | GMA Network page

Binigyan-pugay ni Kapuso comedian Michael V sa pamamagitan ng sining biswal si yumaong Eddie Garcia.
Pinost ni Bitoy ang timelapse video ng kanyang pagguhit sa larawan ng beteranong aktor.

“Never too late to pay tribute and honor this late great (but never late) gentleman. Farewell Sir Eddie,” pahayag ng celebrity.

Maliban sa pagiging magaling na komedyante at artista, hilig din ni Bitoy ang pagguhit.


Ilan sa mga namayapang artistang ginuhit ng “Bubble Gang” lead cast ay sina German Moreno at Francis Magalona.

Makikita din sa kanyang social media account ang mga sketches nina Lebron James, Captain America, Iron Man, Stan Lee at Doctor Strange.

Binawian ng buhay si Garcia noong Hunyo 20 matapos ma-coma ng 12 araw. Nagtamo ang movie icon ng severe neck and cervical fracture habang nasa shooting ng “Rosang Agimat.”

Facebook Comments

From Advertisers