5 araw na Regional Director’s Cup ng PRO2, Sinimulan Na!

36

*TUGUEGARAO CITY-* Sinimulan na kaninang umaga ng Police Regional Office 2 ang kanilang paglulunsad ng Regional Director’s Cup sa Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City.

Ito ay pinangunahan ni Police Senior Superintendent Gringo Lucas, ang Deputy Regional Director for Administration ng PRO2 sa pangangasiwa ni PNP Regional Director Police Chief Superintendent Jose Mario Espino.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Chevalier Iringan, ang tagapagsalita ng Police Regional Office 2, dinaluhan ito ng iba’t-ibang hanay ng PNP sa Rehiyon dos kung saan may mga nakalatag na kompetisyon para sa mga pulis na dumalo.

Bahagi rin sa kanilang aktibidad ang pagkakaroon ng One Stop Shop Service para sa mga nais magproseso ng dokumento at licensya ng baril at iba pang mga serbisyo.

Layunin anya ng aktibidad na makalikom ng pondo ang kanilang pamunuan para sa pagsasaayos sa mga nasirang gusali ng PNP dulot ng mga nagdaang bagyo.

Hihingi rin anya ng tulong ang pamunuan ng PRO2 sa pamahalaan upang magkaroon ng sapat na pondo para sa kanilang gagawing rehabilitasyon.

Inaanyahan naman ang lahat ng sinumang nais masubukan ang firing range kung saan kinakailangan lamang na magbayad ng isang libong piso para sa registration.




Samantala, matatapos ang nasabing aktibidad sa Dec. 16, 2018.

Facebook Comments