Tricycle Driver, Arestado sa Pagtutulak ng Droga sa Naguilian, Isabela!

959

*Naguilian, Isabela-* Natimbog ang isang tricycle driver matapos mahulog sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad pasado alas diyes ng umaga sa Brgy Burgos, Naguilian, Isabela.

Ang nahuli nakilalang si Roderick Dela Cruz, trentay otso anyos, mays-awa at nakatira sa nabanggit na lugar.


Batay sa nakuhang report ng RMN Cauayan, tuluyang nahulog sa kamay ng mga otoridad si Dela Cruz matapos nitong bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer sa halagang limangdaang piso.

Dinala na sa PNP Naguilian ang suspek maging ang mga nakumpiskang droga, pera at motorsiklo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Mahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments