Huli ang limang mga drug personalities sa isinagawang buy-bust operation at Search Warrants implementation ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o Pdea 12 sa Purok Gracia Villa, Barangay Zone I, Koronadal City kahapon ng hapon.
Sa buy-bust operation pasado alas 4:00 ng hapon arestado ang suspek na si Roy Palmares Oligo, alyas “APNOY”*, *20-anyos, singer, laborer at residente ng nasabing lugar. Nahuli ang suspek ng pumayag na magbenta ng isang sachet ng suspected shabu sa PDEA Agent na nagpakilalang poseur buyer sa halagang Five hundred pesos buy-bust money.
Matapos ng pagkaaresto sa watch-listed drug pusher, 2 Search Warrants ang ipinatupad at nagresulta ng pagkakumpiska ng 1 large sachet at 1 small sachet ng shabu na may timbang na more or less 30 grams at nagkakahalaga ng P150,000.00, 9 na open transparent plastic sachets na may shabu residue, 7 packs at 1 shirt na may lamang dried marijuana leaves na may timbang na 500 grams, 1 pack ng marijuana seeds at mga drug paraphernalia.
Naaresto din sa nasabing drug operation sina Reuben Alaan Pangantihon, 34 –anyos laborer at residente ng Purok Gracia Villa, Brgy. Zone I, Koronadal City, Leonel Billones Pastellero, 29 -anyos, single, laborer, at residente ng Purok Mangga, Brgy. Zone I, Koronadal City, Abet Roger Sarip, 42 -anyos, negosyante, residente ng Purok San Antonio Phase 1, Brgy. Sta. Cruz, Koronadal City at isang menor de edad na lalaki.
Paglabag naman sa Section 5, 6,11 at 12 ng Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampang kaso laban kay Oligo at paglabag naman sa Section 7 at 15 ang haharaping kaso ng apat na mga suspek.
Sa ngayon nakadetine ang mga suspek sa PDEA 12 Detention Facility.
5 arestado, P157, 000.00 na halaga ng droga nakumpiska sa drug den sa Koronadal City.
Facebook Comments