Ang mga bahay ay naitala ding lubos na nasira ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Tuao.
Sa ibinahaging impormasyon ng Cagayan Provincial Information Office, batay sa ulat ng MDRRMO, ang lokasyon ng limang kabahayan ay malapit sa Chico River kung kaya’t naapektuhan ang lupang kinatatayuan ng mga bahay hanggang sa natangay ng tubig.
Tandilum umano ang klase ng lupa sa naturang purok kung kaya’t madali itong matibag dahilan upang mabilis itong natangay o nakain ng tubig.
Nag-dismantle na rin ang ilang mga residente katuwang ang MDRRMO ng mga bagay sa kanilang tahanan na maaari pa nilang magamit o mapakinabangan kung sakaling matangay ng ilog.
Nasa 43 pamilya na binubuo ng 156 na indibidwal ang nailikas sa Regional Evacuation Center ng MDRRMO.
Binigyan na rin umano ng ayuda ang lahat ng inilikas bukod pa sa sa tulong na ipagkakaloob ng DSWD.
Ipinahayag ng LGU Tuao na plano nilang i-relocate ang mga apektadong residente sa naturang barangay upang maiwasan ang kahalintulad na insidente sa susunod.