Isinailalim na ng Pamahalaang Lokal ng San Mateo, Rizal sa 14 na araw na lockdown ang 5 mga barangay dito dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Kabilang dito ang Block 13 Villa San Mateo 6, Brgy. Dulong Bayan Dos-Philippians St. Villa San Mateo 1, Brgy. Guitnang Bayan Uno,North Libis at Banaba Extension, Brgy. Banaba, Avocado St., Brgy. Sto Nino, Phase 2 ng Sta. Barbara Villas, Buntong Palay Dos at Tres sa Brgy. Silangan.
Ang lockdown ay magsisimula ngayong araw at tatagal hanggang August 24 , 2020.
Inaasahan na sa ilalim ng localized lockdown, mababawasan ang physical movement ng mga tao at tanging ang mga bibili ng pagkain at gamot, may mga trabaho at frontliners lamang ang papayagang lumabas.
Mahigpit din na ipapatupad ang curfew hours, liquor ban at lahat ng health protocols alinsunod sa operational guidelines.
Ngayong araw ay sarado muna ang munisipyo at extension ng Plaza Natividad para na rin sa disinfection.
Sa ngayon ay may 181 na kaso na ng COVID-19 sa San Mateo, Rizal, 14 ang nasawi at 97 ang gumaling.