Pumalo na sa 3, 127 na kaso at 10 ang nasawi sa Pangasinan sa sakit na Dengue ayon sa Provincial Health Office.
Mababa pa rin ito ng 29 na porsyento ngunit limang bayan ang binabantayan dahil sa pagkakatala ng double digit na kaso ng dengue.
Mula sa 58 na kaso noong nakaraang taon mayroon ng 199 na kaso sa bayan ng Bani. Sa San Quintin 11 na kaso noong nakaraang taon ngayon ay mayroon ng 173 na kaso. Kabilang din ang Rosales na mayroong kaso na 139 at 35 lamang noong nakaraang taon Calasiao na mayroong 106 ngayong taon, 79 naman noong nakaraang taon at ang Bugallon na mayroong 82 noong nakaraang taon at ngayon pumalo sa 131.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman ng Provincial Health Office masusukal umano ang kapaligiran ng mga nasabing bayan at mayroong mga water receptacle na pinamumugaran ng kiti kiti.
Kaya’t Apela ng ahensya na ipagpatuloy ang paglilinis ng kapaligiran at tignan ang mga malilinis na tubig dahil ito ang nais na pamugaran ng mga dengue virus na dala ng aedes aegypti.
5 bayan sa Pangasinan isinailalim sa dengue watchlist dahil sa pagkakatala ng double digit na kaso
Facebook Comments