5 BLOOD LETTING ACTIVITIES, NAISAGAWA NG RED CROSS

CAUAYAN CITY- Patuloy ang isinasagawang blood letting activity ng Philippine Red Cross Cauayan at Ilagan kung saan nakapagtapos na ang mga ito ng limang (5) aktibidad sa buwan ng Enero at Pebrero taong kasalukuyan.

Sa naging panayam ng IFM News Team sa Philippine Red Cross Cauayan City Branch, dahil sa puspusan na blood letting activity ng kanilang opisina ay nakalikom ang mga ito ng 275 bags ng dugo.

Bilang resulta, sapat ang nalikom na dugo upang matugunan ang mga nangangailangan nito na nagtutungo sa kanilang opisina.


Samantala, magkakaroon ng panibagong blood letting activity bukas ika-28 ng Pebrero sa Cordon, Isabela na papangunahan ng LGU Cordon at sasalihan ng mga empleyado nito.

Facebook Comments