5 cabinet positions, nakatakdang mabakante sa mga susunod na araw

Manila, Philippines – Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na limang posisyon sa kanyang gabinete ang posibleng mabakante sa mga susunod na araw.

Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap narin ng umuugong na revamp o balasahan sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi naman dapat mangamba ang mga miyembro ng kanyang gabinete na baka malipat o matanggal sa posisyon kung hindi naman sila sangkot sa anomang issue ng katiwalian.


Matatandaan na sinabi ng isang source sa Malacañang na dumadaan sa review ang performance ng mga miyembro ng gabinete at ang mga pinuno ng mga bureau at iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan.

Pero nilinaw din naman ni Pangulong Duterte na walang kinalaman sa katiwalian ang napipintong pagalis ni Agriculture Secretary Manny Piñol at posibleng paglipat nito sa Mindanao Development Authority.

Facebook Comments